
HAGDANAN

HAGDANAN
Steps of Service
Tungkol Sa Amin
Kilalanin ang Hagdanan Steps of Service
Itinatag noong Abril 6, 2025, ang Hagdanan Steps of Service ay isang makabayang kilusan na isinilang sa puso ng Mabitac, Laguna. Layunin nitong bigyang daan ang kabataan tungo sa isang kinabukasang may dignidad, saysay, at malasakit sa kapwa.
Pinaniniwalaan ng Hagdanan na ang bawat hakbang ng paglilingkod mula sa edukasyon at kabuhayan hanggang sa kalusugan at pakikilahok sa pamayanan ay hakbang patungo sa tunay na pagbabago.



MISYON
Layunin ng Hagdanan Steps of Service na magsilbing matibay na hakbang tungo sa kinabukasang may dignidad at saysay para sa kabataan ng Mabitac. Sa pamamagitan ng masinsinang mga programang pang-edukasyon, pangkabuhayan, pangkalusugan, at pampamayanan, hinuhubog namin ang kabataan bilang mapanagutang mamamayan, mapagmalasakit na lider, at aktibong tagapagtaguyod ng katarungan at pagbabago.
Itinataguyod namin ang isang makabuluhang paglilingkod na nag-uugat sa malasakit, disiplina, at pag-asa.
Isang makabagong Mabitac na pinangungunahan ng kabataang matalino, may paninindigan, at may pusong handang magsakripisyo para sa ikabubuti ng nakararami.
Isang pamayanang nagsusulong ng pagkakapantay-pantay, pagkakaisa, at pambansang kaunlaran kung saan ang bawat kabataan ay may kakayahang mangarap, kumilos, at magtagumpay para sa sarili, pamilya, at bayan.
BISYON

ADBOKASIYA
Pagpapalakas sa Kabataan para sa Progresibong Bayan
Layunin ng Hagdanan Steps of Service na paunlarin ang kabataan sa pamamagitan ng serbisyong nakatuon sa edukasyon, leadership, kabuhayan, at kabutihang panlipunan upang sila’y maging aktibong tagapagtaguyod ng pagbabago sa kanilang komunidad.

Edukasyong Abot-Kamay
Libreng tutorials, school supplies drive, at scholarship info drives upang matiyak na walang kabataang maiiwanan sa edukasyon.

Kabataan para sa Kalikasan
Tree planting, clean-up drives, waste management education para sa sustainable na kinabukasan ng aming komunidad.

Serbisyong Kabataan para sa Kalusugan
Mental health awareness, basic first aid trainings, fitness activities para sa kabuuang wellness ng kabataan.

Kabuhayang Kabataan
Skills training, livelihood workshops, youth entrepreneurship programs para sa economic empowerment.

Kabataang Lider, Makabayang Tagapaglingkod
Leadership camps, civic engagement seminars, barangay youth involvement para sa active citizenship.

Kultura at Sining para sa Pagkakaisa
Talent showcases, cultural mapping, youth arts festivals.